<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4613054271242484183?origin\x3dhttp://raphiam.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </head>

Wednesday, January 3, 2007





#15: ANG KALUPI: A MODERN-DAY SOCIAL DRAMA
(based on a true story)

Overview: Isang masidhing yugto sa buhay ng isang batang nagngangalang Allan, kung saan ang kanyang murang pag-iisip ay pinagsamantalahan ng isang Zaturnnahriang may masamang budhi.

CAST:

Allan (16) Badingger Thief (15?) Pinsan ni Badingger Thief (8?)

Spt. Arthur (?) Mang Boyet (?) Kuya (21) Rigel (13) Driver(?)

Mami (49- oops!) Tita Zen(30-something?)

Fairwoods Security (cameo voice-over) Tita ni Badingger Thief (thhhirty-something lang)


Scene 1: Hub-On Computer Shop
(8 pm. sa high-tech na shop na pagmamay-ari ni Allan. Ang nasabing binata'y nakaharap sa computer 2 at tinatapos ang lintek na feature articles na dati pa niya tinatapos. Sa computer 6 ay nagtatype si Badingger Thief, ngunit hindi pa alam ang kanyang identity sa ngayon. Nasa main server ang matabang kapatid ni Allan na si Rigel.)

Allan: Aaah! Ayoko na!
Rigel: Lul

Allan: Haay sandali nga. Magsi-cr lang ako *iniwan ang bagong Penshoppe wallet at feature articles sa gilid ng keyboard*

Rigel: Okay.

Badingger Thief: Um, puwede po ba maki-cr? *pilantik ang hintuturo*

Rigel: Sure.

BT: *c.r., tapos labas*

Rigel: *naispatan ang Penshoppe wallet* Kanino tong black 8" Penshoppe wallet with gray tribal design and red spirit inlay?

BT: ...Ay! Akin yan!

Rigel: No shit?

BT: Um, oo.. Salamat poh ah!

Rigel: OK.

BT: *Umalis*

Allan: *balik* haay, at lust! Este, at last!

Rigel: Lul
Allan: Hay... Teka.. Crap! Nasan na wallet ko?!

Rigel: ...
Allan: Oh no! Nasan na ang bago kong black 8" Penshoppe wallet with gray tribal design and red spirit inlay?
Rigel: *after 30 mins* ah, ibinigay ko dun sa costumer kanina. Sabi nya kanya daw e.

Allan: HUWAAAHT?! No shit?

Rigel: No shit.

Allan: AAAAAAHHH!!! Ang kawawa kong wallet! W/ my atm card, ice skating ticket, hologrammic calendar, g-tec pen, video city card, stolen Century Park electronic door key, pictures, at 1,000,000 pesos(I wish.)!!! Napasakamay ni Badingger Thief! Bat di na lang nya kinuha ung Feature articles? Huhuhu..*sob*

Rigel: Don't worry, dear bro. Regular costumer yun. Babalik yun bukas.

Allan: OK then.

Rigel: Apir!
Allan: Yeah


Scene 2: Hub-On Computer Shop
(10 am. The usual setting. Si Kuya Jun ang nagbabantay. Nandoon si Allan sa pc2, tinatapos ang lintek na feature articles. Nagluluto si Ate Len ng god knows what.)

Allan: *nagpupuyos sa galit* Asan na si Badingger Thief? Sabi ni Rigel babalik yun ngayon!

Rigel: *snore*

Allan: Aabangan ko na lang si Badingger Thief

Kuya: OK, Let this be a good, clean fight. *sabay pasok ni Badingger Thief*

Allan: Ayan na siya kuya!!!

Kuya: OK. Let's start now!

Badingger Thief: One hour nga powh *sabay labas ng penshoppe wallet at nagbayad*

Allan: Kuya! Akin yang wallet na ginagamit niya?! Ze nerve!

Kuya: Ehem.. Ah, excuse me.

BT: Powh?

Kuya: Di ba ikaw ung nag-recover ng wallet kagabi..?

BT: Opo, wallet ko powh. Bakit powh? *pilantik*

Kuya: Kasi, uhm, may costumer na pumunta kagabi, hinahanap ung wallet.. Sa'yo ba talaga yan?
BT: *defensive mode* Kuya, akin powh ito.

Allan: *tumayo, hndi makapagpigil* Excuse me, ako ung costumer na yon. At hindi ako costumer. Ako ang may-ari ng shop na to.

BT: Ah, ikaw ba? Akin kasi to e. Sorry ah.

Allan: Hindi e, akin kasi yan. Ganyan na ganyan ang itsura. Kagabi, sabi ng kapatid ko, ikaw ung nag-claim ng wallet KO. Now be a good boy(?) And return it to me.

BT: Ah, excuse me powh ah, pero sakin powh talaga to. Nag-c.r. lang powh ako, iniwan ko lang jan. Nakuha ko rin. So if you'll excuse me..

Allan: Excuse mo mukha mo! *Kuya babanatan ko na 'to!*

Rigel: *nagising* wet, kasi nung nagbayad ka sa kin kagabi hndi galing jan sa wallet na yan ung perang pinambayad mo e..

BT: Ah, nakabukod kasi ung wallet kowh. Meron pa kong coin purse. Actually, marami akong wallets. Isa lang 'to sa mga collection kowh.

Allan: Talaga? San mo binili yan? Anng brand yan?

BT: Ano.. binigay kasi to ng.. be-bestfriend kowh..

Allan: Kelan

BT: Last year

Allan: Tara, tawagan natin yung bestfriend na yan

BT: ah, wala na siya. Nasa states na for 3 years

Allan: Lul. Kelan niya binigay yan?

BT: Ano.. la-last year

Allan: Lul. FYI, Bagong model pa lang yan ng Penshoppe! At mahal ang LBC ngayon no! Jerk!

Kuya: Last year pa pla binigay, mukhang bago ah!

BT: Sinabi nang hindi sa'yo to eh! Tignan mo pa ung laman o! *binuksan ang wallet*

Allan: What the- *ibang mga gamit ang nakasuksok sa wallet, mga pictures ni Badingger Thief, among others* You desecrated my wallet!

BT: O ngayon, ayan o, akin yan lahat, ka-

Allan: Wet. Holy-! Ano to?! *naispatan ni Allan ang passkey sa Sheraton Hotel na kasama sa original na laman ng wallet* Huli ka ngayon balbon! Akin to! Akin tooo!

BT: Hindi iyo yan, excueez-moi!

Allan: *triumphant snicker* O sige, kung sayo nga to, ano to?

BT: Ano yan.. ano.. galing sa hotel.. ung tita ko, me b-b-b0-boyfriend na nagtatrabaho sa.. hotel. Binigay niya sa tita ko, na binigay sa ken

Allan: Asa ka. Ang-cheap ng bf ng tita mo ah! Binibigay ang doorkey ng hotel! Weird ng kwento mo boy! Akina cel number o fone number ng tita mo nang magkaalaman na

BT: Wala

Allan: That sux

BT: Okay, fine. Dahil mabait ako, ibibigay ko na sau tong keypass, or whatever it is. It's yours!

Allan: You don't understand, do you? Hindi yan ang kelangan ko. Kelangan ko yung buong wallet, pati laman. Gimme!
Kuya: Puso mo

Allan: Heh. Akina yan!

BT: Alam mo, this is going nowhere. Now, if you'll excuse me, magcocomputer pako. One hour nga kuyah *upo sa pc*

Allan: Ze nerve!.. Ok, matigas ka talaga ah! Ayaw mo umamin, while all evidence point out na IKAW ang magnanakaw!

BT: *shrug*

Allan: Grabe ang morality rate ngayon! Magkaroon ka nga ng kahihiyan sa sarili mo! Sinungaling!

BT: Hay nakoh. Ganito ba dito, namimintang? Hay *naglalaro ng D.o.T.a.*

Kuya: Mabuti pa tawagan natin ung bahay nila.

Allan: Mabuti pa nga. Hoi anu pangalan mo?

BT: Darren Dave Ibasan

Allan: Hindi nga? Ampogi ng pangalan, ampanget mo e

BT: Pangalan koh yan, excuuez-moi

Allan: Phone number

BT: Wala kaming phone

Allan:What the hell- *sasaktan ko na to!*

Kuya: Okay, address na lang.

Allan: Siguro naman me bahay ka

BT: Lola ko lang nandun, wala kayo magagawa

Allan: ADDRESS SABI E!

BT: Block 4 Lot 15 Fairwoods Subdivision

Allan: OK.

Ate: Peace and goodwill to mankind



Scene 3: Hub-On Shop
(Nasa telepono ng shop si Allan. Samantala, naglalaro pa rin ng D.o.T.A. si Badingger Thief. Ze nerve.)

Allan:*nag-dial ng phone number* Hello, tita Zeny?

Tita Zen: Oh, bakit?

Allan: Di ba po ikaw ung presidente ng Homeowners sa Fairwoods? Me kilala ka bang 'Darren Dave Ibasan'?

Tita Zen: Wala. Tawagan mo na lang yung guard. Me directory sila ng mga pangalan ng mga tao na nakatira sa bawat bahay. Eto number..

Allan: Salamat po Tita *dial ng number* Eto po ba ung security sa Fairwoods?

Sikyo: Yes? And hu is dis?

Allan: Ah, anak po ni Lily Habon?

Sikyo: Lily Habon? DA Lily Habon? Di Eksekyutib Hassistant tu di Meyor?

Allan: Ah, opo..

Sikyo: Glad to be of serbis! Anu kelangan?

Allan: Ano po, I che-check ko lang po kung sino nakatira sa blk 4 lot 15.

Sikyo: Syurli! ... Ehem, ang nakatira po dun ay Balingit residens

Allan: Balingit? Hindi Ibasan?

Sikyo: Syurli

Allan: Thanks

Sikyu: Glad tu bi op serbis!

Allan: Hoy Badingger Thief ka! Ano bang totoo dito, yung pangalan mo o ung address mo?

BT: Yan ang address ko

Allan: Balingit daw ang nakatira dun e

BT: Hindi ko alam, baka hindi updated ung files ng guwardiya noh. Hindi koh na kasalanan yon Now if you'll excuse me, naglalaro pah koh.

Allan: Aba loko to- *mananapak*

Kuya: Wet, tawagan mo na lang si Mommy.

Allan: *dial* Mom?

Mom: Oh? Nasa SM ako

Allan: Mommy, remember yung wallet ko na nanakaw? Nandito yung magnanakaw! At ayaw niya umamin! (Parinig yun) *Kwinento ang mga nangyari*

Mom: ABAH! ABAH! TAWAGIN MO NA YUNG PULIS! TUMAWAG KA, ETO NUMBER, HANAPIN MO SI SRGT. ARTHUR! *galit*

Allan: OK *dial* Si Srgt. Arthur po pls, sa Habon's Residence.

Tsip: *surprise cameo role!* Okay.




Scene 4: Labas ng Hub-On Shop
(sa labas naman, para maiba. Nandito na sa eksenang to si Srgt. Arthur. Nakalimutan ko palang i-mention na me batang kasama si Badingger Thief, pinsan daw niya. Siguro mga 6-8 yrs old. Matigas si B.T., nagdo- D.o.T.a. pa rin. Kinukuwento ni Allan ang mga nangyari)

Allan: Kaya ayun nga po. Matigas po e. Hanggang ngayon ayaw umamin.

Srgt: Chill, Allan. Kung ganun nga ang siste, e, mas mabuti pang sumama ka na sa prisinto, Badingger Thief.

Allan: Asteeg

BT: Bakit powh? Nasan ang warrant nioh?! Ayokoh!
Allan: Alam mo, hindi ako naniniwala sa mga coincidences. Una, nandito ka nung gabing nawala ung wallet. Ikalawa, ibinigay sayo yan ng kapatid ko. Napakagandang magkapareho tayo ng wallet, at sa parehas na wallet na un ay may kapareho tayong doorkey ng parehong hotel. You can hardly call it coincidence. Now, umamin ka na, kung me konsensya pang natitira sayo

Mang Boyet: *grand entrance* Oo nga, Badingger Thief.Umamin ka na! Alam mo ba kung ano posisyon ng nanay nito? Pag nakarating pa to ke Mayor, baka sa bilangguan mo iseselebreyt Bagong Taon mo!

Kuya: Wag mo na palalain, wag mo na paabutin sa presinto to. Umamin ka na.
Mang Boyet: Alam ko na. Tanungin mo yung pinsan niya. Hindi magsisinungaling ang mga bata.
Allan: Toy, pinsan ka ni Badingger Thief di ba?
Pinsan: *Nanginginig* O-opo..
BT: Wag niyo na kausapin, natatakot na nga e!
Allan: Shut up!...Wag ka matakot sa kin. Tell me, me ganyang wallet ba yang pinsan mo?
BT: *tinititigan sa mata pinsan niya na parang nananakot*
Pinsan: Ewan ko po...
Allan: *wink* Umamin ka na.
BT: Ano aaminin ko? E akin nga towh sabi eh!

Allan: Ha-ha.

Srgt: Ha-ha.

BT: Okay, fine! *Tinanggal lahat ng laman ng wallet* Eto na wallet KO!

Allan: *kuha wallet* wallet ko, ulul

Kuya: Yun naman pala e, ibibigay den

Ate: Peace and goodwill to mankind
Mang Boyet: *horrified* Bakit mo binigay yung wallet?!

BT: E pulis yan e! Wala akong magagawa!

Allan: Hindi. Kung sayo nga to, ipaglalaban mo to hanggang huli! Hindi yung ibibigay mo lang saken ng ganun kadali.

BT: OK lang, kasi alam koh ang feeling. *drama* Nanakawan din ako dati! At since marami pa naman akong wallet sa bahay-

Allan: No doubt stolen

BT: -ibibigay ko na lang to sayo. Anyway, yan ang pinakaayaw kong design ng wallet

Mang Boyet: Truly? Di ba bigay sayo yan ng bestfriend mo? Kung bigay yan ng bestfriend mo, hindi mo yan ibibigay ng ganun kadali! *drama din*

BT: Ano.. e ano naman? Marami akong bestfriends, at kaya ko silang palitan kahit kelan ko gusto! *taray!*

Kuya: Oo nga.. bestfriends, boyfriends, madali lang palitan! *sarcastic*

BT: Okay, tapos na. Now, excuse me, meron pa kong 30 minutes.

Allan: No! It's not over yet. Kelangan ko ang laman ng wallet ko

BT: ...

Allan: Alam kong nasa 'yo yun, wag ka na magkaila. ATM card, ice skating ticket, hologrammic calendar, g-tec pen, video city card, pictures, at 1M ko.

BT: Wala nga e! Eto na nga ko't naaawa sayo at binigay ko sayo wallet ko, tapos ganyan ka pang mamintang? How unfair! Nakita mo naman ung laman kanina di ba?

Allan: Malamang pinalitan mo kagabi. I'm not that gullible, ya know.
BT: Sori, hindi kita matutulungan jan.

Allan: Ibalik. Mo. Sakin. Laman. Ng. Wallet. Ko.

Srgt: Wala nang nangyayari. Puntahan natin adres ng batang yan. Sandali kukunin ko ung posas
sa hedquarters.

BT: Sandali lang po! That's unfair!

Allan: Unfair mo mukha mo. Tigas mo kasi e.





Scene 5: Labas ng Bahay
(Hinihintay nina Allan at Badingger Thief si Srgt. Arthur.)
BT: *panic* Ayokong makulong! Ayokoh!! Beauty koh
Allan: Ihanda mo pwet mo sa presinto bwahaha
BT: *nagustuhan ang idea*
Allan: *frustrated* ok Badingger Thief, me deal ako sayo. Ayoko din na lumala pang isyu na to. Naaawa ako sayo. Iuurong ko na demanda ko, ibalik mo lang sakin lahat ng laman ng wallet ko. Especially the pictures.

BT: ...OK.

Allan: *lol* Tamo! Aamin ka din pala eh, pinahaba mo pa ung script na to! *silence* Tell me, do u need money that badly?

BT: Hindi naman

Allan: How cud u stoop so low then?

BT: *Panic* Ok, look. Ako na lang pupunta sa bahay namin. Ibibigay ko na sayo lahat ng laman ng wallet mo

Allan: No way, Jose! Kelangang malaman ng lola mo ang lahat.
BT: *panic* Aalis ako! Di pwede beauty koh sa prison!

Allan: Hindi puwede, oy. Kelangang ma-notify magulang mo sa kabalbalan mo
BT: *kumaripas ng takbo*
Allan: Hoi- Wait! Matte! *tumakbo din*

BT: *Pumara ng tricycle* Bilisan niyo po!

Allan: *gumawa ng action stunt- sumabit sa likod ng tricycle* Yeah! Para na lang ho dito.

Driver: What the f- is going on?!
BT: Bakit kayo huminto? Ma, bilisan niyo na po!
Allan: Wak po manong! Me ninakaw po sakin yan. Mang Arthur!
Srgt:*paparating* Anu nanyari?

Allan: Sinubukan po tumakas ni Badingger Thief

Srgt: *pinosasan si BT* Ayan, buti na lang me tricycle na. Punta na tayo sa bahay nito

Allan: Kala mo ah!




Scene 6: Sa Tricycle
(sa Tricycle. Sinama ni Badingger Thief ang Pinsan niya. Katabi ni BT si Allan. Nasa likod ng tricycle si Srgt. Arthur.)

Allan: Akala mo hindi ko magagawa un no?

BT: Actually.

Allan: E di nahuli ka rin. nakahanap ka ng katapat mo!
BT: *speechless*

Allan: First time mo ba ginawa 'to?

BT: Actually
Allan: Lul. *nasa gate ng Fairwoods* Sa block 4, lot 15 lang ho.
BT: Hindi yan ang adres ko, ako na bahala

Allan: Ta'mo!
Srgt: *sa driver* Ay putsa! Sa prisinto nga tayo bumalik!

BT: *panic* bakit ho?!
Srgt: E niloloko mo kami e! Hindi mo pala adres to e. Dehado kami nyan.

BT: Hindi po, parang awa niyo na! Hindi na powh!

Allan: Hayaan na natin si Badingger Thief, Mang Arthur.

Srgt: Chill.
BT: *nakatitig*

Allan: Baket

BT: Ano nga uli pangalan mo?

Allan: Ronald Allan P. Habon. Tandaan mo yan! Ako ang unang nakabisto sa modus operandi mo!

BT: San ka nag-aaral? Anng year mo na?

Allan: *Ack, bka natipuhan pako nito!* Hindi na mahalaga yon, pake mo ba

BT: Wala lang
*after a few minutes*

BT: *Bumaba sa tricycle at tumakbo*

Allan: Na naman? Follow him/her! *nakita pinsan* Toy, alam mo ba bahay niyo?

Pinsan: O-opo. Dun po..

Allan: Yun naman pala e.




Scene 7: Sa Bahay ni Badingger Thief
(magulo ang bahay ni Badingger Thief. Makalat. Naabutan nila siya sa pinto. May grupo ng mga babaeng pokpokish nearby. At isa don ang lumapit sa kanila at sumigaw.)

Tita: DARREN DAVE! ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO? HAH?!!!

BT: Powh...

Srgt: Teka, ang sabi niya lola daw niya ang nakatira dito?

Tita: ANONG LOLA?! G*GO KANG DARREN DAVE KAH!! Ah, eh, ako po ang tita niya. Pasok po kayo

BT: *pumasok sa bahay, at hawak2 ang mga gamit sa wallet ni Allan pagkalabas* eto na

Allan: OK. nasan na yung pictures

BT: Ah, yung pictures... tinapon ko na..

Allan: Ano?!!
Tita: ANONG TINAPON MO, DARREN DAVE?! ANO!!! *me hawak na pitsel ng tubig* Pasensya na ho kayo, ano na naman po ba ang ginawa nitong pamangkin ko hong ito *sabay batok ke Badingger Thief*

Allan: Ah, eh.. *kwinento lahat*

Tita: ANO?! ANONG GINAWA MO?! NAGNAKAW KA?! T*NG 'NA MO DARREN DAVE AH! YAN BA ANG TINUTURO KO SA'YO?!

BT: ..

Tita: SUMAGOT KANG PUNY#+@ KA?! BAKIT DARREN DAVE?! BAKIT MO GINAWA YON?!

BT: Kasi po nandun lang po yung wallet e.. Tsaka binigay ho sakin ng kapatid niya

Tita: ABA SUMASAGOT KA NANG BATA KA!NANDUN YON, PERO HINDI YUN IYO! Naku, pasensya na po kayo.. Sakit sa ulo talaga yang pamangkin ko na yan ano ho.. PUNY#+@ KA! BAKIT MO KINUHA YON?! SASAGOT KA?! HAH?!

BT: Sasagot na po..

Tita: SUMAGOT KA!

BT: .. maganda po kasi yung wallet e..

Tita: MAGANDA?! YUN LANG?! MAGANDA, HINDI IYO, KINUHA MO? ABA DARREN DAVE, NAKAKAHIYA KA! ALAM MO ANG RULES SA BAHAY NA 'TO! HUMANDA KA, PAG UMALIS NA SILA, HUMANDA KA!
BT: *Hagulgol*

Tita: KAYA PALA LAGI KANG WALA SA BAHAY! GANYAN LANG PALA GINAGAWA MO!SANG SHOP NANGYARI TO? HALIKAYO! SAMAHAN NINYO AKO!

Allan: Ano po, ako po may-ari ng shop

Tita: Ah.. *nagbigay ng calling card* sige, i-ban ninyo tong DARREN DAVE NA TO! PAG NAKITA MO PAGMUMUKHA NITO, TAWAGAN MO KO'T WAG PAPAPASUKIN TO! UM *binatukan si BT*

Allan: Aah, opo

Tita: Sige po, pasensya na ho talaga ah.. Hindi ho kasi nababantayan yang batang yan e.. Hayaan niyo po, ako na ho bahalang mandisiplina dito.. WAG KA TATAKAS DARREN DAVE! HINDI PA TAYO TAPOS!!!

Allan: Er, sige po, alis na po kme..
Srgt: Sige ho, misis.

Tita: *promiscuously* Hindi po, miss pa lang po.. *wink*



So, ayun, tapos na ang lahat, napagtagumpayan ni Allan na makuha ang inaasam na wallet at ang mga nilalaman nito, maliban lang sa mga pictures na itinapon na, at ang 1 M na napagdesisyunan na lang niyang i-donate ke Badingger Thief. Nagpapasalamat din si Allan sa Diyos. Dahil, saan ka ba naman nakakita ng isang badingger thief na bumabalik sa crime scene dala ang kanyang ninakaw, tapos me ebidensya pa? Pero sa totoo nyan mejo naawa siya ke Badingger Thief. Sya nman kasi e! Pero salamat pa rin dahil sa wakas, and Kaluping kanyang naiwala, natagpuan (at lalabahan), ay napasakanya din.

-katapusan-

it got me home
7:29 AM


THE (NOT SO) LITTLE PRINCE

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

RONALD ALLAN PRADO HABON

Binigyan ng spank of life ng doctor matapos ipanganak ng nanay. Nanunuod ng Big Brother. Nag-aaral kung saan nakatayo ang mamang me fresh confidence. Kumakaen ng glutathione. Possessed a sexy body. Syempre past tense kasi sexier na ngayon. Sexier than nude. Timang sino niloko mo. Nagpapanggap pilosopo na hindi. Will strip for a price. Depends. Me aso at isda. At piglet, as an afterthought sa kanyang nakababatang kapatid. Ayaw ng tinola dahil kinatay ang alagang chicken nung bata. Pogi daw sabi nung mga neurons sa brain niya. Hey hey you you I know that you like me. No it’s not a secret. Girls, please, isa-isa lang.

(Dengue-denguehan. Nyah, saka ko na lang aayusin to. Nahihilo ako.)

Nigga, pleez.
:D

ROSES & THORNS

Me
Narcissism
The best deals!
Arts and crafts
Money
Winning
English
Singing
A good challenge!
Writing
Movies
Good time
Broad. Ass.
Journarism
Kids
Screenplay writing
Summer
Sleep! (who doesn’t?) 


Superficial
Math T_T
Pressure
A empty wallet
Dora the Explorer

BEFRIENDING THE FOX


VISIT OTHER PLANETS

Bea M.
Bea P.
Bernard
Bobbie
Carlos Miguel
Celiz
Christian
Elsperm
Florizza
Gidget
Iric
Ituloy Angsulong
Japboy
Joliza
Jonell
Jonell
Joselle
Kuya Fiel
Kuya Gerald
Kuya Joe
Kuya Shark
Kwekky
Leslie
Leya
Louis
Louise
Minnelle
Nica
Nika
Pax
Spsexyc
Thea
Thea, KJ, Jay-V
Trixia
Tsina
Vanir
Yayi

FRAGMENTS OF IMAGINATION

November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
August 2007
October 2007
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008

THANKS

zero one two three four
basecode

SOUND CANDY


THE WAY I ARE - TIMBALAND

dis()