<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4613054271242484183?origin\x3dhttps://raphiam.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </head>

Monday, December 25, 2006


#13: CHRISTMAS

WARNING: KUNG AYAW NIO EMO AT SENTI WAG MAGBASA.

( Para namang mapipigil ng ganito ang curiosity ng tao.)

Tama sila, dapat hindi jino-joke ang lahat..
Pero gusto ko lang talaga na matuwa ka.

Merry Christmas sa iniong lahat! Maging masaya sana lahat. Pero that's impossible, isn't it? What with all the sufferings, poverty, etc.


Naah, not if you're an optimist.


Eto ako ngaun, tapos na mag-noche buena. Tapos nang magbukas ng mga regalo. At ngayo'y hindi na naman makatulog, walang magawa. Nandito na naman ako.


Anyway, let me take this opportunity to thank my Lawrentian brethren, Bernard Jude. He made quite a great layout of my blog. Un nga lang ayaw lumabas ng pang-11 kong post. Crap. Sayang, maganda pa naman. Tsaka sana seryosohin nio ang entry kong to kahit ang background ay yours truly na mukha lang namang beggar. Simulan na uli mga posts.


I'm in a dilemma. I really want to watch the MaSci Chorale sing and win(I already assumed) the CarolFest Grand Finals to be held in Raja Sulayman. Kasi naman, meron pa kaming dapat tapusing movie, at project yon, at gabi isu-shoot. Sabi ni Julie kasi hindi puede, dapat top priority ang movie. Pero nakatali ako sa isang promise, kaya kahit pinagbawal na, ang makulit kong sarili ay pumunta sa sakayan papuntang Maynila.


On the way there ay kasama ko sina Tita Flor(na magbobonding sa Calvin), si Sarah(choir impromptu) at Leah(my sidekick, mamaya na kung bakit). At mayroon akong nalamang bago. Nagulat na naman ako sa iisang isyu ngayong year. First time. Waw, have I been living under a rock to be this unupdated? And is there such a word as unupdated? Hmm.


Sa panahong ito ng aming pagdadaldalan sa fx tumawag si Julie. At galit na galit siya. Dahil bat ko daw siya tinext at cnabing hindi nya kami pinayagan, samantalang sinabi daw niya nung umaga na pwede naman daw, basta umuwi lang ng maaga para i2loy ung pagsu-shoot. Squinting my eyes, inapuhap ko sa memorya ko kung kelan nangyari yun. Ah, hindi ko matandaan. That must be the time nung nakahandusay ako sa sofa nina Leah at humihilik. Pati mga kasama ko hindi nila alam. Kaya masaya kami nung malaman na pwede pala ang aming sneak-in na panonood sa contest. At least hindi ilegal. Hahaha.


Then I had this ingenious plan(which will prove to be a stupid plan after all). Tutal ang alam niya nman hindi na kami sisipot, I might as well keep her in that thought. At ang aming accomplice na si Sarah ay sasabihing umatend kami sa concert ng banda ng utol ko. Well, totoong me banda kuya ko, pero bano naman tumugtog un e. Waste of time. Hehehe some other time tol!=p Kaya ayun, tinuloy na namin.


Ayos, ala nang problema. How wrong I was.


Umalis na sina Flori at Sarah. Kami na lang ng aking pretty witty sidekick na si Leah. Ang journalism ay conveniently postponed. Kaya ang mission? Mag-mallhopping para i-commence ang aking Operation Save-Kitty-From-Post-Christmas-Sale! Wherein ang objective ay bumili ng regalo niya at isalba ito mula sa stocks ng Gift Gate. Pinuntahan namin ni sidekick Leah ang Rob, kung saan naroon ang pinakamalapit na Gift Gate.


Rob Saleslady: Sir ano po hanap nila?


Allan: Ah, ano po.. stuffed toy po na pusa..


RS: Ah, Hello Kitty po? Eto pong nasa..


Allan: (duh, kilala ko si Hello Kitty at di sya un!) Ah, hindi po. Brown po siya, tsaka, tsaka, naka-smile..


RS: Ay sori po ser, wala na pong stock, kabibili lang last week.


I therefore conclude na bulok ang Gift Gate sa Robinson's. Ok lang yan, marami pang malls sa Pinas.


Next stop: SM Manila.


SM Saleslady: Ser, ano po hanap nila?


Allan: Ano po, meron pa po ba kayong... pusang stuffed toy...ung brown po, tsaka nka-smile?


SMS: Ay sori po, out of stock.


I therefore conclude na bulok din ang Gift Gate sa SM Manila. Napaka fair-weather-friend ng Gift Gate. Kung kelan di kelangan, nanjan. Kung kelangan, out of stock. Bleaugh.


No choice then. Sa Glorietta tau.


It's about this time na naka-receive ng phone call si Leah. Siya daw. Masaya ko pang kinuha fone.


"Woi!"


"Allan, pede ba kitang murahin?"


"..."


"Leche ka alam mo yun? Sana sinabi mo na lang ang totoo, hindi ung gagamitin mo pa si Julie"


"..."


" Manonood ka lang pala ng concert ng kuya mo! Gago ka pala e!"


"...Okay, sorry."


Wala nang nagsasalita sa kabilang linya, kaya binabaan ko na. Narealize ko agad na gumulo ang lahat. And I was worried. Nevertheless, I pushed through with the plan. I know she's not narrow-minded. I think she would understand. I hope she would understand.


That incident urged me to look for the cat even more fervently than ever. I figured na ung pusa lang na yun ang magsasalba sa akin sa kanya. Pero ayun, naligaw kami sa pusod ng Makati. Ilang jeep ang sinakyan, ilang daan ang nilakad, ilang sikyo ang napagtanungan namin. Buti na lang at nanjan pa rin si sidekick Leah, kahit na alam kong pagod siya. Iniisip ko na rin lang na 'adventure' ung ginagawa namin. Imagine-in mo, wala kaming kapera-pera, sa gitna ng mga skycrapers, at worst of all, gosh we look like beggars.


At ang ibinayad ko naman ke Leah, katangahan. Nakakita lang nang letter "G", pumara na agad. Greenbelt pala un, hindi Glorietta. Sige, naglakad na lang uli. First time kong maglakad ng ganun kahaba, at naligaw ng matagal sa Makati.


Kaya isipin mo na lang ang tuwa namin nung nakita namin ni Leah ang pusa. Nagmistulang Mecca ang Giftgate sa aming mga mata. Itsura namin nung nakita kami nung saleslady. Ah, we don't care! Binili agad, umalis. At dumerecho sa Roxas. Back then I was reassured by Leah na pagkatanggap niya ng regalo ko, magiging ok na ang lahat. Yeah, tumatawa na lang ako ngayon. Meron pang 2 delinquents na pinormahan si LeYa. Haha- not.


Maaga kaming dumating sa Raja Sulayman, at wala pa ang choir. Nagkakitaan na kami nina Flori sa Baywalk. Mejo in good spirits ako, dahil alam kong matutuwa siya sa regalo ko, dahil alam kong ito'y gusto niya. Sabi pa nga ni Leah, kung kelangan daw lumuhod, lumuhod! Pinagtatawanan pa namin ung mga nagsesenti sa Baywalk. Un pala magiging ganun din ako maya2. Haha.


Kapagdaka'y dumating na ang choir. This is it.. Time to face the music.


***


Tapos na kami nag-usap. And it did not turn out too well. It was a mess.


And I thought you would understand. I thought you'd be happy.


Naguluhan talaga ko. I wasn't expecting that kind of confrontation.


Wala lang, ngumiti ka lang.


You don't need to do that when you're angry.


Gusto ko sanang mag-apologize.


But my pride won't let me.


And it's hard to really explain when you're not really given the chance.


Kaya eto, sinulat ko na lang. Bahala ka na kung maniniwala ka.


"Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko"


Why can't you believe me then?


I don't blame you. I can't blame you. You've been lied at a lot.


And it's hard for you to trust again. Pero..


Sa tingin mo ba nanloloko lang ako? Na nanggu-good time lang?


Nanti3p lang ba ko? Ganun ba tingin mo?


I wanted to shout at how badly, and how wrongly you've accused me.


Kakainis talaga pag ambaba ng tingin sayo ng isang tao.


I don't get it.


Ewan ko kung bakit. Nakaka-overwhelm. Siguro napuno lang talaga ako. Na-disappoint. Nawalan ng lakas. Naramdaman ko na ung pagod na kanina pa sinu-supress ng pekeng pag-asa. Napaluha na lang ako. Nakakahiya talaga, ang isang makisig na binatang tulad ko, umiiyak sa Raja Sulayman, sa dinami-dami ng tao. Tinawid ko na lang yung Baywalk at dun tinuloy ang ligaya. Iyak-tawa lang ako. Drama kasi ng ginagawa ko e. Hindi ko akalain na gagawin ko rin pala yun tulad ng sa isa sa baduy na telenovelang pinapanood ni BobbieChu. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ma-emo ang atmosphere ng Baywalk. Iniisip ko, how could such a beautiful night turn out to be so wrong? Buti na lang, andun sina Flori, kundi napagtripan ko sigurong tumalon sa Manila Bay. Mukha kasing masaya nong sandaling yun e.


First time kong umiyak dahil sa babae. Haha, nakakatawa talaga. Ang weird kasi. I never thought I'd see the day. Anliit na bagay, iniyakan. Parang na-misunderstood lang. Parang sineryoso lang ang biro. Parang bata. Tinanong ko sarili ko kung bakit ako maiiyak sa ganong kaliit na bagay.


Haha, nagtanong pa .. Syempre maiiyak ka, kasi masakit.









it got me home
12:10 AM


THE (NOT SO) LITTLE PRINCE

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

RONALD ALLAN PRADO HABON

Binigyan ng spank of life ng doctor matapos ipanganak ng nanay. Nanunuod ng Big Brother. Nag-aaral kung saan nakatayo ang mamang me fresh confidence. Kumakaen ng glutathione. Possessed a sexy body. Syempre past tense kasi sexier na ngayon. Sexier than nude. Timang sino niloko mo. Nagpapanggap pilosopo na hindi. Will strip for a price. Depends. Me aso at isda. At piglet, as an afterthought sa kanyang nakababatang kapatid. Ayaw ng tinola dahil kinatay ang alagang chicken nung bata. Pogi daw sabi nung mga neurons sa brain niya. Hey hey you you I know that you like me. No it’s not a secret. Girls, please, isa-isa lang.

(Dengue-denguehan. Nyah, saka ko na lang aayusin to. Nahihilo ako.)

Nigga, pleez.
:D

ROSES & THORNS

Me
Narcissism
The best deals!
Arts and crafts
Money
Winning
English
Singing
A good challenge!
Writing
Movies
Good time
Broad. Ass.
Journarism
Kids
Screenplay writing
Summer
Sleep! (who doesn’t?) 


Superficial
Math T_T
Pressure
A empty wallet
Dora the Explorer

BEFRIENDING THE FOX


VISIT OTHER PLANETS

Bea M.
Bea P.
Bernard
Bobbie
Carlos Miguel
Celiz
Christian
Elsperm
Florizza
Gidget
Iric
Ituloy Angsulong
Japboy
Joliza
Jonell
Jonell
Joselle
Kuya Fiel
Kuya Gerald
Kuya Joe
Kuya Shark
Kwekky
Leslie
Leya
Louis
Louise
Minnelle
Nica
Nika
Pax
Spsexyc
Thea
Thea, KJ, Jay-V
Trixia
Tsina
Vanir
Yayi

FRAGMENTS OF IMAGINATION

November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
August 2007
October 2007
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008

THANKS

zero one two three four
basecode

SOUND CANDY


THE WAY I ARE - TIMBALAND

dis()